Aabot sa sampung milyong (P10M) halaga ng tulong-pinansyal ang naipamahagi ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Livestock Program sa pitong (7) Livestock Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) ng rehiyon, noong ika-12 ng Agosto, sa Lipa City, Batangas.

Ang aktibidad ay bahagi ng isinagawang Memorandum of Agreement Signing on the Establishment of Multiplier Farms under Livestock Economic Enterprise Development (LEED) Project ng DA National sLivestock Program.

Ang LEED Project ay isa sa mga estratehiya ng ahensiya na naglalayong mapaunlad at mapalawig ang produksyon at kabuhayan ng mga mag-aalaga ng hayop sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo na kanilang gagamitin sa pagbili ng mga alaga, pakain, gamot, at pasilidad.

β€œAng proyekto pong ito ay patunay na kaagapay ninyo ang DA sa pagpapaunlad ng inyong kabuhayan. Hangad ko na patuloy ang ating ugnayan at marami pang makinabang sa programa at serbisyo ng ahensya,” ani OIC-Regional Executive Director Engr. Abelardo Bragas.

Ngayong araw, ipinamahagi sa mga benepisyaryo ang Beef Cattle at Goat Commodity Packages. Sa Ilalim ng Beef Cattle Commodity Package matatanggap ng mga FCAs ang tig-P1.5 milyong piso na ilalaan para sa animal stocks, forage chopper, silage bag at biologics. Samantala, mayroong matatanggap na tig-P2.5 milyong piso ang mga mag-aalaga ng kambing na nakalaan naman para sa housing facility, animal stocks, forage chopper, at biologics.

Kabilang sa mga FCAs na tumanggap ng Beef Cattle Commodity Package ay ang General Trias Dairy Raisers MPC, Liliw Upland Farmers Marketing Cooperative, Southern Luzon Farmers and Traders, The Rosario Livestock and Agriculture Farming Cooperative, Jala-Jala Marketing Cooperative, at Llano Marketing Cooperative na tumanggap naman ng Goat Commodity Package.

Nakiisa rin sa aktibidad sina OIC-Regional Technical Director for Operations and Extension Engr. Marcos Aves, Sr., OIC-Regional Technical Director for Research, Regulations, and ILD, DA-4A Livestock Program Focal Dr. Jerome Cuasay, Quezon Agricultural Programs Coordinating Officer Chief G. Rolando Cuasay, Da-4A Halal/4k Program Focal G. Antonio Zara, Gen. Trias City Cavite Agriculturist Gng. Nerissa Marquez, at iba pang kawani ng DA-4A. #### (βœΒ πŸ“Έ: Jayvee Amir P. Ergino)