Isinulat ni Cristy Tolentino
Kuha, Mga Larawan ni Bryan Arcilla
Pinangunahan ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4A CALABARZON Corn Banner Program na pinamumunuan ni Gng. Avelita Rosales (Regional Corn Program Coordinator) and dalawang araw na pagsasanay tungkol sa produksyon ng mais na kasalukuyang ginaganap ngayon sa El Cielito Hotel, Sta. Rosa, Laguna.
Ang pagsasanay ay may layuning maturuan at ma-update ang mga magsasaka at kooperatiba ng mais mula sa soil sampling at analysis, cultural management practices, pamamahala at pagpuksa ng peste at sakit ng mais, pag-ani hanggang aa pagbebenta sa merkado.
Ito ay dinadaluhan ng mga magsasaka at kooperatiba mula sa lalawigan ng Cavite at Laguna. Sa unang araw ng pagsasanay nagsisilbing lecturers sina G. Rafael Manalo (Agriculturist I- Regional Soils Laboratory), Alexander V. Calingasan at G. Sonny Buncha (Corn Farmer Entrepreneur). Ang mga lecturers sa susunod na araw (Oktubre 05, 2018) ay sina Bb Cecille Manzanilla (Chief-Regional Crops Protection Center), at Bb. Eleanor De Jesus (Chief-Regional Animal Feed Laboratory).
Ayon kay Gng. Rosales , ito na ang ika-apat na pagkakataon na isinasagawa ang ganitong pagsasanay. Ang unang tatlong pagsasanay ay isinagawa noong Agosto 23-24; Agosto 29-31 at Setyembre 5-7 ng taong kasalukuyan sa St. Jude, Quezon at nilahukan ng mga magsasaka ng mais mula sa lalawigan ng Batangas at Quezon. Ang natitira pang dalawang batches ay gaganapin sa mga susunod na araw.
Nakatakdang ipaliwanag ni Gng. Rosales sa ikalawang araw ang morphology at nutrient management ng mais.