Ang Kagawaran ng Pagsasaka ay patuloy na nagsusumikap na masiguro ang kasapatan sa pagkain kasabay ng pagtitiyak na mura at ligtas ang mga ito para sa lahat ng Pilipino.

Ang pagkain ay kailangan ng ating immune system upang labanan ang mga maaaring makasama sa ating katawan nang hindi tayo magkasakit.

Ang sakit ay maiiwasan kung malusog ang pangangatawan at sapat ang ating kaalaman kung anu-anong sustansya ang kailangan ng ating resistensya.

Kaya bilang paalala at gabay, narito ang mga bitamina at mineral na hatid ng ating mga pagkain.

(DA CALABARZON-RAFIS, Abril 2020)