Ang lahat ng sasakyan na nagdadala ng mga produktong pang-agrikultura gaya ng gulay, karne, bigas, isda, pakain sa hayop (ie. feeds) atbp. ay maaari nang dumaan sa mga quarantine checkpoint kahit wala munang “Food Pass” o “Food Lane Sticker.”
Pinakikiusapan ang lahat ng lokal na pamahalaan na abisuhan ang kanilang mga itinalagang tao sa checkpoints patungkol dito.
Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 7 ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa mas mabilis at maayos na pagdadala ng mga pagkain sa Luzon.
Mangyaring ipagbigay alam sa DILG ang mga tauhang lalabag sa checkpoints para sa kaukulang parusa.
Para sa buong detalye at listahan ng mga produktong pang-agrikultura, basahin ang nasabing Memorandum.