Market Matching for Rice, isinagawa ng DA-4A sa Laguna
Isinagawa ng Department of Agriculture IV- Calabarzon (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division ang Market Matching for Rice noong Agosto 22, 2024 sa Pila, Laguna.
Dito ay tatlong samahan ng magpapalay sa rehiyon ang naiugnay sa anim na institusyunal na mamimili ng palay. Sila ay ginagabayan at tinutulungan ng Kagawaran upang magkaroon ng direktang ugnayan sa mga mamimili at merkado.
Ilan sa mga dumalong grupo ng magsasaka ang Maragondon Ternate Irrigators Association, Nausong Buaya Magabe-A Irrigators Association, at Cavite Farmers Irrigators Agriculture Cooperative. Samantala, tumugon naman ang mga institusyunal na mamimili na Pacheco Agrarian Reform Cooperative; Sentrong Ugnayan ng Mamamayang Pilipino Multi-purpose Cooperative; Agri Care Multi- purpose Cooperative; KC Sari-sari Store; Sorosoro Ibaba Development Cooperative; at Yakap at Halik Multi-purpose Cooperative- Quezon 2.
Ang katulad na aktibidad ay patuloy na isinasagawa sa rehiyon at inaasahang makakatugon para sa mas madali at episyenteng operasyon ng mga samahan sa aspeto ng pagmamarket ng kanilang produkto.