Ang pagkain ng gulay at prutas ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay sa atin ng iba’t ibang bitamina at mineral, at nakakatulong upang maiwasan natin ang maraming uri ng sakit.
Kaya naman, ang pagtatanim sa bakuran, na isa sa mga isinusulong ngayon ng Kagawaran ng Pagsasaka sa CALABARZON, ay makakatulong sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan dahil hindi lamang pagkain ang maaari nating anihin kundi nutrisyon na rin.
Sa pagkakataong ito, subukan nating itanim at kainin ang mga sumusunod na pangunahing gulay at prutas (priority commodities) sa CALABARZON na nagtataglay ng iba’t ibang bitamina at mineral na nagpapalakas naman ng ating resistensya.
(DA CALABARZON-RAFIS, Abril 2020)