Binisita ng mga kawani ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) at Department of Public Works and Highways CALABARZON Regional Office (DPWH R-4A), ang lugar kung saan itatayo ang bagong DA-4A regional office sa Lipa City, Batangas.
Ang proyektong ito ay aabot sa P200-M. Inaasahang masisimulan ang pagpapatayo ng bagong opisina sa Marso at matatapos sa Disyembre.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations at DA-4A Regional Executive Director Arnel V. de Mesa, ang proyektong ito ay naging posible dahil sa suporta ng ating Kalihim, Sec. William D. Dar, Sen. Ralph G. Recto, at iba pang mambabatas na ilapit ang serbisyo ng DA sa CALABARZON.
Matatandaan na ang dating main regional office ng DA-4A ay matatagpuan sa Quezon City hanggang sa ito ay ilipat sa LARES Cmpd., Lipa City noong Hunyo 2020.
Pinangunahan ni OIC-RTD for Operations Engr. Abelardo R. Bragas ang naturang inspeksyon. Kasama rin sa mga bumisita ay sina OIC-Regional Agricultural Engineering Division (RAED) OIC-Chief Engr. Romelo F. Reyes, Asst. RAED Chief Engr. Christian Paul M. Ariola, Lipa Agricultural Research and Experiment Statio Chief Virgie Arellano, OIC-Asst. Field Operations Division Chief Fidel L. Libao, at Engr. John Carlos R. Romulo at Engr. Christian B. Reyes mula sa Department of Public Works and Highways Region-4A. #### ( Reina Beatriz P. Peralta; Elijah Ocial, DA-4A RAFIS)