Mga magbababoy na nagsagawa ng depopulation katulong ang DA-4A, tumanggap ng P5.6-M halaga ng tulong pinansyal

 

 

Tumanggap ng Php5,640,000 halaga ng tulong pinansyal mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang 152 magbababoy na apektado ng African Swine Fever (ASF) sa Batangas at Quezon, simula noong ika-10 hanggang ika-11 ng Oktubre.

Ang sakit na ASF na pangunahing kinakaharap na pagsubok ngayon ng mga magbababoy ang nilalayong mapigilan ng Kagawaran sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga magsasaka na magsagawa ng biosecurity at agarang pagrereport.

Kaugnay nito, patuloy na nagbibigay-suporta ang DA-4A Livestock Program sa mga magbababoy na nakapagsagawa ng depopulation katulong ang lokal na pamahalaan at Kagawaran.

Dito ay tig-P5,000 ang kapalit na kabayaran ng Kagawaran sa bawat baboy na naibaon sa depopulation. Ayon kay Regional Livestock Coordinator Dr. Jerome Cuasay, napakahalaga ng reporting sa mga municipal agriculture office dahil dito bumabatay ang ahensya sa mga magbababoy na aalalayan sa depopulation at pagkakalooban ng suporta sa indemnification.

Samantala, hinihikayat din ng DA-4A ang pagpapaseguro ng kanilang mga alagang hayop sa tulong ng katuwang na ahensya, ang Philippine Crop Insurance Corporation.

Si G. Rolando Hernandez mula sa Batangas ay malaki ang pasasalamat sa natanggap na Php100,000 na aniya ay kanyang iipunin at gagamitin upang makapagsimula muli sa pagbababoy sa oras na may โ€œgo signalโ€ na mula sa pamahalaan. #### (Danica T. Daluz, DA- 4A RAFIS)