(Isinulat at mga kuhang larawan ni Nataniel Bermudez)
Binisita ng Technical Committee para sa Outstanding High Value Crops Farmer Category ng Regional Gawad Saka Search 2017-2018 ang ilang katangi-tanging magtatanim ng prutas sa rehiyon noong ika-22-23 ng Mayo 2018.
Sila ay sina Francisco L. Hugo ng Alabat, Quezon, magtatanim ng calamansi; at Paulino H. Sulibit ng Liliw, Laguna, na magtatanim naman ng lanzones.
Sa pangunguna ni Technical Committee Chairperson Redelliza Gruezo, kasama sina Agricultural Program Coordinating Officer ng Quezon Rolando Cuasay, Helario Cotoner at Ruben Perlas ng Operations Division, ay isa-isa nilang binisita sa kanilang taniman ang mga nasabing nominado upang personal na makausap at makita ang kanya-kanyang taniman.
“Pareho silang magaling at kahanga-hangang magsasaka, pero ang tinitingnan natin ngayon ay yung kayang makapasok bilang finalist ng National Gawad Saka Search” sabi ni Gruezo.
Ang personal na pagbisita sa mga nominado ng mga technical committees ng Regional Gawad Saka Search ay isa lamang sa proseso ng masusing pagpili para sa mga tatanghaling namumukod-tanging magsasaka.