Tampok ang mga produktong agrikultural ng apat na samahan ng magsasaka sa CALABARZON sa isinagawang KADIWA ni Ani at Kita Retail Selling ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa Manila City Hall noong ika-30-31 ng Agosto, 2022.
Layon ng aktibidad na bigyang oportunidad ang mga magsasaka na mabenta ang kanilang mga produkto sa paglalapit sa kanila ng mga konsumer.
Ang mga samahang sumali sa aktibidad na ay ang General Trias Dairy Raiser’s Multipurpose Cooperative, The Rosario Livestock and Agriculture Farming Cooperative, Café Amadeo Development Cooperative, Soro-soro Ibaba Development Cooperative at Southern Luzon Farmers and Traders (SOLUFAT) Agriculture Cooperative.
Ilan sa mga produktong binenta dito ay mga gulay, prutas, iba’t ibang produkto ng gatas, kape, bigas at itlog. #### (Ma. Betina Andrea P. Perez)