Tinipon ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Corn Program ang mga magsasaka mula sa Samahan ng Magtatanim ng Mais sa Lopez, Quezon para sa isang techno-briefing and distribution of production inputs for white corn model farm noong ika-2 ng Hunyo, 2022.
Layunin ng aktibidad na ihanda ang mga magmamais para sa isasagawang corn model farm.
Ang model farm ay isang proyekto ng DA-4A upang mapataas ang produksyon ng mais bilang isa sa mga importanteng tanim sa bansa.
Kasabay nito, namigay ang DA-4A ng 300 kilo ng corn seeds, 150 sako ng fertilizer, 150 sako ng urea, 100 bote ng insecticide, 300 pakete ng biofertilizer, at 100 kahon ng rodenticide na aabot sa P1,136,900-halaga sa nasabing samahan.
“Nagpapasalamat kami sa DA-4A dahil nadagdagan ang aming pagkakakitaan at sumariwa na ulit ang aking kaalaman sa pag-mamaisan,” ani ni G. Pedrito Arandila, pangalawang pangulo ng samahan.
Ayon kay G. Arandila, ang makukuhang kita ng samahan sa proyektong ito ay iipunin upang ibili ng binhi at upang magkaroon ng dagdag na negosyo ang samahan.
#### (✍📸Ma. Betina Andrea P. Perez)