Mahigit 1,505,800 ang halaga ng interbensyon na naipagkaloob ng Department of Agriculture (DA-4A) noong ika-6 ng Oktubre sa mga magsasaka at mangingisdang nasalanta ng bagyong Karding sa bayan ng Polillo, Quezon.
Mula sa inisyatibo ng mga programa ng Rice, High Value Crops, Corn, Livestock, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ilan sa mga naibigay ng DA-4A ay ang mga butong pananim na gulay at mais, pataba, soil conditioner, veterinary drugs, materyales na kailangan sa mga nasirang bangka, at iba pang kagamitang pangsaka gaya ng grasscutter at pruning saw.
Ayon kay OIC-Regional Executive Director Milo Delos Reyes, sa kabila man ng mga sakuna ay walang humpay ang suporta ng kagawaran sa paglilingkod para siguruhin ang produksyon ng pagkain saan mang panig ng rehiyon. #### (Danica Daluz)