Aabot sa P167,825 na produktong agrikultural ang naibenta ng sampung Samahan ng magsasaka mula Calabarzon sa KADIWA ni Ani at Kita Retail Selling noong 1-2 Oktubre 2022 sa SM Center Muntinlupa City.
Layon ng Kadiwa na ilapit sa mga mamimili sa syudad gaya ng Muntinlupa ang mga produktong agrikultural gaya ng gulay, prutas, gatas, at karne na nagmula direkta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng suportang lohistiko at koordinasyon sa pangugnuna ng Department of Agriculture IV-CALABARZON Agribusiness and Marketing Assistance Division.
Ang mga samahang nakapagbenta ay ang Café Amadeo Development Cooperative, Southern Luzon Farmers and Traders, General Trias Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative, Sinlikas Import Export Packaging Inc., Samahang Maggagatas ng Batangas Coop., Lime Tree Farm Solutions, Soro-Soro Ibaba Development Cooperative, Pinagdanlayan Rural Improvement Club Multipurpose Cooperative, High Value Crops Marketing Cooperative at Luisiana Cacao Grower Producers Cooperative. ####