Aabot sa P2,250,300.00 ang kabuuang halaga ng interbensyon na ipinagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) para sa lungsod ng Sto. Tomas, Batangas noong ika-8 ng Agosto sa National Shrine of Padre Pio, Brgy. San Pedro, Sto.Tomas, Batangas.
Ito ay sa pamamagitan ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) ng Kagawaran na naglalayong mapataas ang produksyon ng pagkain sa bansa, malimitahan ang gastos sa lohistiko, at magbigay ng alternatibong kabuhayan sa mga mamamayan.
Hangad din ng NUPAP na isulong ang Urban and Peri-Urban Agriculture (UPA) at iba pang natatanging pamamaraan ng pagtatanim sa bisa ng Plant, Plant, Plant Program na nagbibigay ng mga materyales, teknikal, at pondo para sa mga aktibidad na pang-agrikultura.
Kaugnay nito, tampok ang Santo Tomas Farmers Federation, limang samahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), anim na site ng communal garden, at Santa Teresita Farmers Association sa pagtanggap ng P1,062,800 halaga ng interbensyong mga butong pananim, pataba, at iba pang kasangkapan gaya ng pala, kalaykal, lagadera, at iba pa.
Samantala, ang Ka Pio Farm ng National Shrine of Padre Pio naman kung saan isinagawa ang Farmersโ Field School ng DA-4A ay pinagkalooban ng aabot sa P1,187,500 halaga ng Greenhouse at itatayong Solar Powered Irrigation System (SPIS).
Taos pusong pasasalamat ang ipinahatid ni Sto. Tomas Mayor Atty. Arthur June Marasigan sa pagiging kabilang ng kanilang lungsod sa mga benepisyaryo ng NUPAP at nangakong sisigurohin ang pagmonitor sa aktibong paggamit ng mga interbensyon. #### (Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)