Umabot sa ₱87,000 ang naibenta ng dalawang samahan ng mga magsasaka sa isinagawang KADIWA ni Ani at Kita retail selling na pinangunahan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa Brgy. Cuyab, San Pedro, Laguna noong ika-21 ng Agosto, 2022.
Ang mga samahang nakapagbenta ay ang Luntian Multipurpose Cooperative at General Trias Dairy Raisers Multipurpose Cooperative
Ang KADIWA ni Ani at Kita retail selling ay isang programa ng DA-4A na naglalayon na ilapit ang mga samahan ng mga magsasaka sa mga mamimili.
Nakabenta ang mga nasabing samahan ng 290 kilo ng karne, 198 kilo ng gulay, 32 tray na itlog at 27 litrong gatas.
“Kung magkakaroon ulit ng KADIWA ay mamimili pa rin kami dito dahil nakatipid kami sa karne at sa itlog at bilang supporta na din sa ating mga lokal na magsasaka,” ani ni Rosemarie Jaranilla, isang residente ng Brgy. Cuyab, San Pedro, Laguna.
“Natututuwa kami sa mga programa ng DA-4A AMAD dahil patuloy ang kanilang pagsupporta sa mga lokal na magsasaka” ani ni Assistant Manager ng General Trias Dairy Raisers Multipurpose Cooperative Olivia Parre. #### ( . Andrea Perez)