Iba’t ibang ayuda tulad ng certified seeds, hybrid seeds, at abono ang matatanggap ng mga magsasaka sa ilalim ng Rice Resiliency Project ng Kagawaran ng Pagsasaka sa CALABARZON.
Sa paggamit ng mga teknolohiyang ito, mainam na kaakibat ng mga magsasaka ang sapat na impormasyon tungo sa pagpapalakas ng produksyon ng palay at bigas, at sa pagpapataas ng kanilang ani at kita.
Kaya, narito ang pangunahing kaalaman sa pagkilala sa mga barayti ng palay. Alamin ang kanilang pagkakaiba, at ang mga klase at rekomendadong itanim na mga binhi sa rehiyon.