Upang masiguro ang tuluy-tuloy na pagbabiyahe ng pang-agrikulturang produkto mula sa rehiyon papunta sa iba’t ibang bahagi ng Maynila, isinagawa ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) ang Orientation on the Food Lane Project (FLP), sa Lipa City, Batangas noong ika-22 ng Nobyembre.

Ang Food Lane Project ay isang programa na pinamamahalaan ng DA, Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police, at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Pinangunahan ng DA-4A Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ang aktibidad upang ipaalam sa mga dumalo ang panuntunan sa applikasyon at akreditasyon ng mga kompanya sa Food Lane Project.

Tinalakay sa aktibidad ang Background of the FLP na ibinahagi ni DA-4A AMAD Assistant Division Chief G. Justine Vivas; at mga tungkulin at parte ng MMDA, PNP, at DILG na pinangasiwaan nina MMDA Deputy Chief for Operations G. Miguel Panal, PNP PCMS. Lian Manalo, at DILG Bureau of Local Government Supervision Local Government Operations Officer V Engr. Emelita Danganan.

Lumahok sa aktibidad ang 73 na truck owners, operators, at drivers mula sa mga kompanya ng Ghieriian agri trading, Steelmaster, Big C Chicken Sales; MP De Leon, Jose Jelo, BGHK, Jiliocob, Magboo, Dennis M., ISG, ANC Claveria, A888A, at Macvee Movers Trucking Services.

Ayon kay AMAD Chief Gng. Editha M. Salvosa, malaki ang ginagampanang responsibilidad ng mga kompanya, operators, at drivers upang masiguro na maganda ang daloy ng agri-fishery na mga produkto. Pinaalalahanan din niya na ang akreditasyon sa FLP ay hindi rason upang hindi na sundin ang iba’t ibang panuntunan at batas trapiko. ####