cala8
« of 6 »

Pagpapalakas ng pamamahala ng mga peste at sakit ng mga panamin sa CALABARZON
Isinulat at Kuha (Mga Larawan) ni Nataniel Bermudez

“Palakasin natin ang Technical Working Group (TWG) na namamahala sa pagpuksa sa mga peste at sakit ng iba’t ibang pananim dito sa ating rehiyon.”

Ito ang sinabi ni Assistant Regional Director for Operations at Extension Milo D. delos Reyes ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON sa pagpupulong na pinangunahan ng Regulatory Division noong Enero 22, 2018 sa Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center (STIARC), Lipa City, Batangas.

Ayon naman kay Rufina S. Sanidad, Hepe ng Regulatory Division at Focal Person ng naturang TWG, ang nasabing pagpupulong ay naglalayong pag-usapan ang mas epektibong mga pamamaraan at aksyon upang maprotektahan ang mga agricultural crop at mabantayan ang mga peste at sakit na maaaring lumaganap dahil sa pagbabago ng panahon, kagaya ng rice black bug, Asiatic corn borer, scale insects sa high value crops, cassava witches’ broom disease, at banana at abaca bunchy top virus.

“Kaalinsabay ng pagtutok natin sa produksyon ng mga pananim, bigyang halaga rin natin ang crop protection, surveillance, at early warning management nito na nakaangkla sa mga alituntuning itinakda ng Quick Response Team, kagaya ng sa livestock sector noong magkaroon ng avian influenza outbreak sa Rehiyon III,” dagdag ni Sanidad.

Tinalakay din sa pagpupulong ang nilalaman ng Special Order (SO) na may kinalaman sa naturang paksa na nilagdaan ni dating Kalihim Proceso J. Alcala, pagbuo ng Crop Pest Management TWG, at mungkahing mga aksyon ng pest management sa rehiyon.

Samantala, napagkasunduhan sa pagpupulong ang mga sumusunod: paggawa ng action plan para sa regional crop management; pagpapatupad ng sabayang pagtatanim sa mga baranggay; pagsasanay para sa mga personnel; pagdulog sa Regional Management Committee (RMC) upang makaugnayan ang iba pang mga ahensiya, kagaya ng Philippine Coconut Authority (PCA), Sugar Regulatory Administration (SRA), at Philippine Fiber Industry Development Authority (PhiFIDA); at paggamit ng social media para sa mas mabilis na pagpapakalat ng impormasyon.

Dumalo rin sa pagpupulong sina Regional Technical Director Elmer T. Ferry, Officer-In-Charge (OIC) ng Field Operations Division Dennis R. Arpia, Hepe ng Regional Crop Protection Center (RCPC) Cecille Marie C. Manzanilla, iba pang mga tauhan ng