Taong 2016 nang maipakilala kay G. Pastor Magpantay ang paggamit ng binhi ng hybrid na palay. Simula noon ay palagi na siyang dumadalo sa mga talakayan at pagsasanay patungkol sa pagtatanim nito na isinasagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka sa CALABARZON na naging daan naman upang siya ay maging dalubhasa sa pagtatanim ng hybrid na palay.
Umani siya ng mas maraming kaban ng bigas kada ektarya. Nasa 80 kaban ang nadagdag sa kaniyang ani gamit ang binhing hybrid na palay. Kaya umabot ng 150 kaban ang kabuuang ani niya kasama ang 70 kaban kada ektarya ng certified inbred na palay.
Hinimok niya, kasama ang kaniyang mga miyembro sa Lipahan Farmersโ Association, ang iba pang mga magsasaka sa kanilang lugar na alamin ang kagandahan ng programang hybridization at magsimulang gumamit ng binhing ito.
Si G. Magpantay ay isa lamang sa mga magsasaka rito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.
Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!
Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!
#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth202