Ang Quezon PAFC ay patuloy sa paglulunsad ng mga proyektong pangkabuhayan na nagbibigay-daan upang mapataas ang kita ng mga magsasaka at matulungan silang maging mga negosyante (agri-preneurs) tulad ng pamamahagi ng mga binhi, pagpapaunlad ng paggawa ng coco yema, mga multiplier farm, paggawa ng geo-net, pagsasanay sa paggamit ng mga makinaryang pangsaka, paggawa ng mga bag at wallet para sa mga kababaihan, at iba pa.
Ang konseho ay nananatiling progresibo, matatag, at produktibo sa loob ng tatlong dekada sa pagtukoy sa mga isyu na kinakaharap ng mga magsasaka, mangingisda, at iba pang mga stakeholder sa lalawigan ng Quezon.
Ang Quezon PAFC ay isa lamang sa mga grupo ng mga magsasaka at mangingisda rito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.
Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!
Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!
#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth202