PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!

 

Si Bb. Michelle Razo ay isang agrikultor at labis na nagmamahal sa pagtuturo. Siya ay tumatayong operations manager, farm director, at organic agriculture production trainer ng Sanctuario Nature Farms, Inc., isang sakahan na may lawak na dalawa at kalahating (2.5) ektarya.

Ang sakahang ito na kaniyang pinamamahalaan ay may tanim na iba’t ibang klase ng gulay; gumagamit ng mga organikong pataba; may mga alagang organikong manok, baboy, at kambing; at hindi gumagamit ng anumang komersyal na mga insekto at pestisidyo.

Ang Sanctuario Nature Farms, Inc. ay kinikilala ng Agricultural Training Institute sa pag-aaral ng organikong pagsasaka. Ito rin ay itinuturing na farm school sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority-Cavite na nag-aalok ng Organic Agriculture Production National Certification II.

Si Bb. Razo ay isa lamang sa mga magsasaka rito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.

Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!

Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!

#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth2020