Si G. Florencio

 

Si G. Florencio “Flory” Sera ay tumatayong pangulo ng Samahan ng Industriya ng Paggugulayan sa Pagbilao habang si Gng. Luisa Sera ay tumutulong sa pangangasiwa ng kanilang bukirin. Ang kanilang mga anak naman na sina Mary Grace at John Mark ay mga aktibong miyembro ng 4-H Club Pagbilao.

Ang Pamilyang Sera ay patuloy na nakikibahagi sa iba’t ibang pagsasanay sa organikong produksyon, pagnenegosyo, at pamumuno. Sa pamamagitan ng kanilang produksyon ng mga gulay at mga prutas, napalaki ng mag-anak ang kanilang lupain ng dalawang (2) ektarya, nakabili sila ng mga kagamitang pangsaka, at nagkaroon ng bahay at lupa. Samantala, ang kanilang mga punlang binhi ay tinatangkilik ng kanilang mga kapwa magsasaka at ng mga karatig nilang lugar.

Ang Pamilyang Sera ay isa lamang sa mga pamilyang magsasaka dito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.

Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!

Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!

#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth2020