Wawa Ibayo Barangay Agricultural and Fishery Council (BAFC) ng Lumban, Laguna

 

Ang Wawa Ibayo Barangay Agricultural and Fishery Council (BAFC) ng Lumban, Laguna ang kauna-unahang pinagkalooban ng Kagawaran ng Pagsasaka sa CALABARZON ng isang Solar-Powered Irrigation System (SPIS) unit.

Ito ay bilang tugon sa pagkamit ng kasapatan sa bigas at demand dito ng tumataas na populasyon sa bansa.

Ang proyektong ito ay nakatulong sa mga miyembro ng BAFC at mga magsasaka sa bayan ng Lumban na makapagtanim at makaani ng palay at mais nang hanggang tatlong (3) beses sa isang taon. Hindi na rin sila umaasa sa tubig-ulan at makinang de-krudo para sa irigasyon.

Sapat ding pagsasanay ang ibinigay ng Kagawaran sa samahan para sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng kaayusan ng teknolohiyang ito.

Ang Wawa Ibayo BAFC ng Lumban, Laguna ay isa lamang sa mga grupo ng magsasaka rito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.”

Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!

Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!

#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth2020