PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!

 

Bata pa lamang ay nakagisnan na ni G. Pablito Bautista ang pagsasaka at ang pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, at manok. Pinili niya ang pagsasaka kaysa sa pagiging empleyado dahil naniniwala siya na may maganda itong maidudulot sa kanilang pamilya.

Siya ay nabigyan ng pagkakataon na makibahagi sa Farmers’ Field School sa kanilang lugar sa tulong ng Kagawaran ng Pagsasaka at ng tanggapan ng pambayang agrikultor. Sa pamamagitan nito ay natutunan niya ang pagtatanim ng BT corn at naging mahusay dito.

Tumatayo rin siyang pangulo ng Corn Farmers’ Association ng Teresa. Sa kaniyang pamumuno ay nakatanggap ang kanilang samahan ng iba’t ibang ayuda at suporta mula sa Kagawaran na nakatulong nang husto upang mapataas ang kanilang ani at kita.

Dahil sa kaniyang kaalaman, dedikasyon, at maayos na pamamalakad, siya ay kinilala bilang Natatanging Magsasaka ng Mais ng Regional Gawad Saka Search 2017 – 2018.

Si G. Bautista ay isa lamang sa mga magsasaka rito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.

Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!

Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!

#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth2020