Pinamunuan din niya ang PALCON Dairy Multi-Purpose Cooperative na pinakamalaking tagapagtustos ng sariwang gatas ng baka sa pinakamalaking kooperatiba ng gatas sa Timog Katagalugan, ang Katipunan ng Kooperatibang Maggagatas, Inc., kasabay ng kaniyang paglilingkod bilang kapitan ng baranggay Concepcion Palasan ng 13 taon. Nagsilbi rin siyang tagapangulo ng Municipal Agricultural and Fishery Council at ng Sariaya Farmers’ Federation.
Dahil dito ay kinilala si Ka Eto ng Kagawaran ng Pagsasaka bilang Outstanding Large Animal Raiser ng Regional Gawad Search 2017 – 2018 at ng National Gawad Search 2018.
Si G. Basit ay isa lamang sa mga magsasaka rito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.
Patuloy nating ipakita ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa ating mga mahal na magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat! Samahan natin sila tungo sa kanilang masaganang ani at mataas na kita!