Noong makatapos siya ng kursong Agrikultura, agad siyang nakapagtrabaho sa isang taniman sa Bulacan. Nang maglaon ay nagtaguyod siya ng sarili niyang taniman kasabay ang pag-aalaga ng manok.
Sa kagustuhang mapalawak ang kaalaman sa organikong pagtatanim, lumahok si Ka Joseph sa iba’t ibang pagsasanay ng Kagawaran ng Pagsasaka tungkol dito. Noong taong 2016, nakamit niya ang Organic Agriculture Production National Certificate (OAP NC) II mula sa Technical Education and Skills Development Authority. Kinikilala ngayon si Ka Joseph bilang isang farm practitioner, tagapangulo ng Sto. Tomas Organic Practitioners’ Association (STOPA), at tagapagsalita sa mga organic agriculture seminar ng ilang mga ahensya ng gobyerno, at kahit ng mga samahan o organisasyon.
Si G. Villegas ay isa lamang sa mga magsasaka rito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.
Patuloy nating ipakita ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa ating mga mahal na magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat! Samahan natin sila tungo sa kanilang masaganang ani at mataas na kita!