Dahil sa kaniyang pagiging kritikal pagdating sa kalidad ng isang produkto, pagkamalikhain, at dedikasyon sa negosyo, ang Escaba Food Products, Inc. ay kinilala at patuloy na kinikilalang tagagawa at maaasahang tagapagtustos ng food preserves at coconut products hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang mga bansa. Siya rin ay ginawaran bilang Natatanging Agripreneur sa ginanap na National at Regional Gawad Saka Searches ng Kagawaran ng Pagsasaka noong taong 2016 – 2017.
Patuloy na nagpoproseso ang kumpanya ng Escaba Sweets tulad ng chick peas, white beans, sugar palm, purple yam, red mung beans, coconut gel, coconut sport ball, atbp. sa pamamagitan ng state-of-the-art na teknolohiya sa produksyon, pagpapatupad ng mga hakbang sa pagpapabuti ng mga produkto at kalidad ng mga ito, mahusay na kasanayan sa manufacturing, at iba pang mga pamamaraan upang matiyak ang kaligtasan ng mga produkto. Kaya naman, ang kumpanya ay naging akreditado ng TÜV Nord Phils., Inc. bilang HACCP-Certified for Acidify Sweet Preserves and Low Acid Sweet Preserves.
Sa loob ng halos 50 taon, patuloy na ibinabahagi ni Gng. Escaba ang tamis ng kanilang tagumpay sa mga magsasaka ng CALABARZON sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kanilang ugnayan sa mga ito bilang mga tagatustos ng mga sangkap sa kanilang produkto.
Si Gng. Escaba ay isa lamang sa mga agripreneur dito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.
Patuloy nating ipakita ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa ating mga mahal na magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat! Samahan natin sila tungo sa kanilang masaganang ani at mataas na kita!