Dahil sa aktibong pakikilahok, bolunterismo, at pamamahala ng Tayabas City Agricultural and Fishery Council (CAFC), iba’t ibang programa at proyekto ang naisasagawa nito na karamihang nauugnay sa climate change adaptation and mitigation, at pagpapaunlad ng pananalapi ng konseho (i.e., pagtatanim ng mga puno; pagsasagawa ng mga pagsasanay sa pagpapalago ng halaman; organikong paggugulayan; paghuhulog ng fingerlings; produksyon ng tilapia, ulang, atbp.; at pagsubaybay at pagsusuri sa mga programa at proyekto ng Kagawaran ng Pagsasaka).
Ang Tayabas CAFC ay isa lamang sa mga grupo ng magsasaka dito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.
Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!
Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!
#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth202