G. Angelito "Ka Lito" Mendoza, na ginawaran bilang Outstanding High Value Crops Farmer ng Regional Gawad Saka Search para sa taong 2016 - 2017

 

Si G. Angelito “Ka Lito” Mendoza, na ginawaran bilang Outstanding High Value Crops Farmer ng Regional Gawad Saka Search para sa taong 2016 – 2017, ay nagmamay-ari ng pitong (7) ektaryang lupain at nagrerenta ng karagdagang 1.2 ektaryang sakahan kung saan nagtatanim siya ng bigas, nag-aalaga ng mga hayop, at nagsasagawa ng inter-cropping ng kaniyang mga gulay.

Ang pagtatanim ng mga gulay ay naging isang kapaki-pakibanang na negosyo para kay Ka Lito. Bukod sa amplaya at kamatis, nagtatanim din siya ng pipino, upo, palay, at siling labuyo at haba.

Ang kanilang samahan ay napagkalooban ng Kagawaran ng Pagsasaka ng solar-powered irrigation system unit. Dahil dito ay nakakatipid sila ng malaking halaga na imbes na ipambili nila ng diesel para makapagpatubig ng mga sakahan ay naitatabi na nila ito at nagagamit sa ibang mas mahahalagang bagay.

Dahil sa kaniyang kita sa pagsasaka, nagkaroon siya ng mga pag-aari at pamumuhunan. Gayundin, ang kaniyang sakahan ay nakatulong sa mga tao sa kanilang komunidad na magkatrabaho.

Si G. Mendoza ay isa lamang sa mga magsasaka rito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.

Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!

Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!

#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth2020