Nagsagawa ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Rice Program ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Data Cleaning of Duplicates sa San Juan, Batangas, noong 15-16 Septyembre 2022.
Ang RSBSA ay ang opisyal na talaan ng gobyerno sa pagkakakilanlan ng mga magsasaka at mangingisdang kasama ang impormasyon ng kanilang lupang sinasaka o palaisdaan. Ito rin ang ang basehan ng Kagawaran sa pagbibigay ng ayuda o interbesyon sa mga ito.
Layunin ng aktibidad na masigurong nararapat, tama ang pagkakakilanlan ng magsasaka, at eksakto ang mga impormasyong nakapaloob sa talaan.
Sa pagtatapos ng aktibidad, naiulat na mayroon nang 243 bilang ng RSBSA forms ang direkta nang maipapasa para sa validation at encoding, 169 checked and validated forms para sa updating process, habang 116 RSBSA forms naman ay sasailalim pa para sa data cleaning of duplicates.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DA-4A sa mga lokal na pamahalaan upang mapalawig at maisayos ang talaan na higit na makakatulong sa paghahatid ng napapanahon at naayon na suporta para sa mga magsasaka at mangignisda. #### ( : Jayvee Amir P. Ergino; : Jan Jemuel Manalo)