Nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Package of Technology Training on Vegetable Crops sa Tanaw de Rizal, Sitio Sto. Niño, Brgy. Tala, Rizal, Laguna noong ika-7 ng Hunyo.
Aabot sa 70 magsasaka mula sa bayan ang dumalo ng pagsasanay tungkol sa paggugulay na pinasilidad ng High Value Crops Development Program (HVCDP) sa pangunguna ni Engr. Redelliza Gruezo, hepe ng programa.
Kabilang sa mga paksa ay ang pangangasiwa ng lupa, kaalaman ukol sa klima at ang wastong pamamahala ng peste at mga sakit ng pananim na gulay. Ito ay tinalakay ng mga kawani mula sa Regional Soils Laboratory, Research Division, at Regional Crop Protection Center ng ahensya.
Pinaunlakan naman ni Vice-Mayor Antonino Aurello ng isang pagbati ang mga kalahok. “Tayo po ay napaka-palad na tayo ay naaabot ng mga ganitong training mula sa DA-4A. Ang tanging hiling lamang po namin sa inyo bilang ganti, turuan at hikayatin po natin ang mga kabataan, ang mga anak ninyo, na magtanim din. Kami po ay patuloy ang suporta sa inyo, at sana po ay mapaganda ninyo ang inyong mga ani at ito naman po ay ipopromote din namin upang ito ay mabili. Patuloy lamang po tayong magtanim” Aniya
Ipinagkaloob din ng DA-4A sa mga magsasaka ang P410,000 halaga ng mga interbensyon kabilang ang mga butong pantanim, abono at iba pang kagamitan sa pagtatanim.
Dinaluhan nina Municipal Agriculturist, Dr. Aldwin Subijano, Provincial Agriculturist, G. Marlon Tobias at mga kawani mula sa HVCDP at APCO-Laguna ang aktibidad.
#### (✍📸:Chieverly Caguitla & HVCD Program)