Isang pagsasanay patungkol sa paggawa ng Cluster Development Plan (CDP) ang isinagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program at High Value Crops Development Program (HVCDP) noong ika-8 ng Nobyembre 2022 sa Silang, Cavite.
Nilahukan ito ng tatlong samahan ng mga magsasaka ng kape, cacao, at gulay. Sila ay ang Bailen Coffee Farmers Association, Silang Cacao Growers Association, at Palangue Agrarian Reform Cooperative.
Layunin ng aktibidad na sanayin sila sa pagtalakay ng kasalukuyang katayuan ng kanilang mga pananim at paghanap ng mga pagkukulang na kailangan pang mapunan upang mapaunlad ang sakahan. Ang mga impormasyon na ito ang inilalagay sa CDP na pinagbabasehan ng DA-4A sa pagpapadala ng tulong at interbensyon.
Pinangunahan ito nina F2C2 Alternate Focal Person Jhoanna Santiago at Cacao and Coffee Focal Person Maria Ana Balmes kasama ang punong-bayan ng Silang na si Atty. Kevin Amutan Anarna, mga Agricultural Program Coordinating Officer, at iba pang kawani ng DA-4A. #### ( Danica Daluz F2C2)