Mga nag-aalaga ng kambing at representante mula Veterinary Office at Muslim Affairs ng Tanauan City, Batangas, lumahok sa pagsasanay tungkol sa Halal Butchering noong ika-24 hanggang ika-25 ng Agosto sa Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) LARES Hall, Lipa City, Batangas.
Sa pangunguna ng DA-4A Halal Program, tinalakay ang Good Animal Husbandry Practices (GAHP). Ito ay mahalaga upang masiguro ang food safety, pagpapanatili ng mga tamang gawi ng mga magsasaka, competitive edge at market access.
Kabilang din sa naging diskusyon ang Code of Halal Slaughtering for Ruminants- Philippine National Standard (PNS). Layon naman nito na masigurado na ang mga slaughter practices ng isang establisyemento ay makakapagbigay ng tiwala sa mga mamimili na ang mga produktong Halal ay ligtas at maaaring makunsumo ng tao, habang sinisigurado ang kalusugan, kaligtasan at kaginhawaan ng mga empleyado nito maging ng mga hayop.
Ipinaliwanag din sa nasabing pagsasanay ang mga market opportunities at demand ng mga produktong halal gayundin ang paghikayat sa mga livestock raisers para sa Halal Certification upang mabigyan sila ng pagkakataon na makapagsuplay ng kanilang livestock sa Tanauan.
Nagsagawa ng demo ng goat slaughtering at butchering kasunod ng pagbisita ng mga kalahok sa patnubay ni Halal Program Coordinator Antonio Zara kasama ng iba pang kawani ng DA-4A sa Tanauan Halal Slaughterhouse.. #### (✍Chieverly Caguitla📸 Halal Program)