Pinasalamatan ni Regional Executive Director Arnel V. de Mesa ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON ang Regional Agricultural Fisheries Council (RAFC) sa kanilang masigasig na pagtulong para maisulong ng maayos at matiwasay ang mga programa nito.
Nangyari ang pagpapahayag na ito nang magkaroon ng Committee Meeting on Fruits, Vegetable and Commercial Crops sa Lipa Agricultural Research Station (LARES), Marawoy, Lipa City, Batangas noong ika-27 ng Hunyo 2019.
Pagkatapos ng kanyang pasasalamat sa mga dumalong kasapi, ibinalita naman ni RED de Mesa ang mga pangunahaning programang isinasagawa, kagaya nang: pag-invest ng Korean government sa rehiyon tungkol sa Vegetable Production na ilalagay sa lalawigan ng Batangas at ang 30 Hectares Agricultural Machinery Production Facility sa Ibaan; ang pagdating ng dalawa (2) sa tatlong equipment ng mga Israel Prototype Solar Power Irrigation System (SPIS) na kaunaunahang itatalaga sa bansa na may kasamang Automated Weather Station; ang Tomato Green House na ilalagay naman sa Rizal Agricultural Research Experiment Station (RARES); ang tungkol sa African Swine Fever (ASF) at iba pa.
Ipinagmalaki naman na ipinakita ni Chairperson Pedrito R. Kalaw ang naging accomplishments niya noong siya ay itinalagang Farmer-Director ng rehiyon noong buwan ng Mayo at nagpasalamat din sa mga suportang iginawad sa kanya.
Ang nagbigay ng pambungad na pananalita sa mga dumalo ay si Engr. Abelardo R. Bragas, RAFC Executive Officer at maikling mensahe naman ang iginawad ni Engr. Pablito A. Balantac, Provincial Agriculturist ng Batangas.
Naimbitahan din si Vilma M. Dimaculangan, Regional Coordinator ng Livestock Banner Program at kanyang ipinaliwanag ang katatayuan ng African Swine Fever sa rehiyon at bansa.
Ang iba pang paksa na kanilang tinalakay ay: ang Search for Outstanding Women Leaders in the PCAF’s Advisory Special Bodies; Presentation of AFC Elections; DA-DILG Joint Memorandum Circular (JMC) No. 1 Series of 2013; Bureau of Plant Industry (BPI)- National Crop Research; at Updates ng HVCDP and Industry Situationer, Fruits and Vegetable at Cacao Industry (Commercial Crop). NRB, DA-RAFIS