Muling ipinamalas ng Kagawaran ng Pagsasaka, Region IV CALABARZON ang pagsuporta at pakikiisa sa pagdiriwang ng World Food Day na pinangunahan ng Food and Agriculture Organization of the United Nations.
Ang taunang programang ito na ginagawa tuwing ika-16 ng Oktobre.
Sa umpisa ng palatuntunan, mahigit limampong kawani ng DA RFO IV CALABARZON ang dumalo sa bulwagan ng Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle, Quezon City. Ito ay nilahukan ng mga ahensiya at korporasyon na sakop ng Kagawaran kung saan kasama rin ang DA- RFO MIMAROPA.
Dito nangyari ang maayos at masayang programa. Nag-umpisang magsalita ang kinatawan ni Mayora Maria Josefina Tanya Go Belmonte-Alimurung ng Lungsod Quezon. Sumunod sina: Waldo R. Carpio, Undersecretary for Special Concerns at Chairperson ng National Steering Committee, 2019 World Food Day Celebration; Tamara Duran, Assistant Representative for Programme, Food and Agriculture Organization; at Mats Persson, Country Director ng World Food Programme.
Ang nagbigay ng pangunahing pananalita ay si Engr. Ariel T. Cayanan, Pangalawang Kalihim para sa Operasyon ng nasabing tanggapan. Nagpasalamat si Engr. Cayanan sa lahat ng mga ahensiya at kawani na dumalo sa pagdiriwang. Sa kanyang pananalita, binigyan buhay din niya ang tema ng pagdiriwang na: “Our Actions Are Our Future, Healthy Diets for a #Zerohunger World.”
Sa palatuntunang ding ito inilunsad ang Ani at Kita Jingle, Pagkilala sa Natatanging Rural Women ng taong 2018, at ang paggawad ng karangalan sa napiling limang natatanging estudyante na sumali sa 2019 WFD On-The-Spot Poster Making Contest. Ito ay magkatuwang na isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka at Department of Education sa buong bansa.
Ang regional contestant ng DA RFO IV CALABAZON ay si Allysa Giana S. Antiporda at ang kanyang Coach naman ay si Myla T. Tirana ng Binangonan Elementary School. NRB, DA-RAFIS