Isinulat at Mga Larawan, Kuha ni Nataniel Bermudez
Mahigit 60 katao na kinabibilangan ng mga Municipal Agriculturist (MAs), Agricultural Technician (ATs), at farmer leader mula sa mga bayan ng Mauban, Pagbilao, Real, Tiaong, General Luna, Macalelon, at Mulanay, at lungsod ng Tayabas sa lalawigan ng Quezon ang nakibahagi sa isinagawang pakikipanayam sa kanila ng Planning, Monitoring, and Evaluation Division (PMED), katulong ang Regional Agricultural Engineering Division (RAED), bilang mga pinagkalooban ng tulong pang-agrikultura ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON noong Abril 12 โ 13, 2018 sa lungsod ng Lucena.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong alamin ang kalagayan ng patubig na kanilang natanggap mula sa kagawaran, ang kapakinabangan nito sa kanilang ani at kita, at ang kanilang mga pamamaraan upang ito ay mapangalagaan, nang sa gayon ay mas mapabuti ng kagawaran ang pagpaplano ng mga programa at proyekto at pagbibigay ng mga ayuda sa ating mga magsasaka.
Binigyang-diin din dito ang kahalagahan ng geotagging sa mga lugar na binibigyan ng serbisyo ng kagawaran para sa tama at angkop na pagkakaloob nito ng mga ayuda.
Ang ganitong aktibidad ay isasagawa rin ng kagawaran sa apat pang mga lalawigan sa rehiyon.