Ang patuloy na pagpapa-unlad ng kabuyahan at pagkakaroon ng kontribusyon sa produksyon ng mga
produktong agrikultural mula sa mga kababayang katutubo ang hangad ng Kabuhayan at Kaunlaran
ng Kababayang Katutubo (4K) Program.
Ito ang binigyan diin matapos ang 3 rd Quarter DA-4K Program CY 2023 3 rd Quarter Performance and
Budget Utilization Review noong ika-9 hanggang ika-13 ng Oktubre sa Los Baños, Laguna, sa
pangunguna ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) kasama ang National Program
Management Office (NPMO) ng kagawaran at mga representate mula sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Dito ay tinalakay at pinakita ng ibat-ibang rehiyon ang mga komunidad ng katutubo na kanilang
tinutulungan, ganun din ang mga interbensyon na naibigay na at ibibigay pa at kanilang mga hiling o
kailangan para sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad at pagsasaka. Ipinakita din ang kalalagayan
ng mga pondong ginagamit para sa programa.
Ayon kay National 4K Program Director Lucia Campomanes, sa patuloy na pagtakbo ng programa
hangad nila na magkaroon ng malaking kontribusyon ang mga katutubo sa produksyong sa
agrikultura. Aniya, patuloy nilang aalamin ang mga pangangailangan ng mga katutubo kasabay ang
walang sawang pag-gabay at pagsubaybay sa mga ito upang maakay sila sa pag-angat ng kanilang
mga kabuhayan.
Samantala, pinangunahan nina DA-4A 4K Program Focal Antonio Zara at Agricultural Program
Coordinating Officer (APCO) Laguna Annie Bucu ang delegasyon mula sa DA-4A.