Namahagi ng 4,575,000-milyong piso ang Department of Agriculture IV- Calabarzon (DA-4A) sa mga maliliit na magpapalay sa isla ng Polillo, Quezon.
Nakatanggap ng tig-lilimang libong piso ang 915 magsasaka mula sa bayan ng Burdeos, Jomalig, Patnanungan, Panukulan, at Polillo sa pagpapatuloy ng implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) Program.
Ang pamamahagi ay pinangunahan nina OIC-Regional Director Fidel Libao at Quezon 1st District Representative, Cong. Mark Enverga. Ang RCEF-RFFA ay ang programa ng Kagawaran na pinaigting sa likod ng umiiral na batas, ang Republic Act (RA) No. 11203 o βRice Tariffication Lawβ kung saan ang mga sobrang taripa na nakukuha sa pag-aangkat ng bigas ay nakatakdang ilaan para sa mga interbensyon at ayuda na ipapamahagi sa mga magpapalay.
Sa panayam kay Lita Lumbao, isang magpapalay sa bayan ng Panukulan na pangalawang beses nang naging benepisyaryo ng RCEF-RFFA, malaking tulong ito para sa pambili niya ng abono at pandagdag para sa napapanahon niyang pagpapagapas sa palayan.
#### (Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)