Magbabalik na ang programa sa radyo ng mga magsasaka sa CALABARZON, ang Talakayang Pangsakahan ng CALABARZON (TPNC), para sa ikawalong season nito ngayong darating na Hunyo.
Ang TPNC, na taon-taong inihahandog ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), ay naglalayong maghatid ng mahahalaga at napapanahong impormasyon na magsisilbing gabay at tulong sa mga magsasaka at iba pang bahagi ng sektor ng agrikultura. Sa season na ito, hatid ng TPNC ang anim na mga segments na tiyak na magbibigay kaalamanat inspirasyon: Balitang Sakahan, Programang DABest, Agristorya, Agritindahan, Agripanahon, at Butil ng Impormasyon.
Abangan ang bawat episode tuwing Miyerkules, mula 9:00 AM hanggang 10:00 AM, sa opisyal na Facebook Page at Youtube Channel ng Kagawaran: DA-Calabarzon, at sa mga katuwang na radio stations: 106.3 FM Radyo Natin Laguna, 102.5 FM Radyo Natin Bonpen Catanauan, 105.3 FM Radyo Natin Infanta, at 96.7 FM Destiny Radio.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa DA-4A o bisitahin ang kanilang opisyal na website at social media pages.
Ang TPNC ay patuloy na naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa CALABARZON, isang mahalagang hakbang patungo sa mas masaganang agrikultura at maunlad na ekonomiya sa rehiyon. #### (Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)