Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4-CALABARZON sa Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) upang itaguyod ang Agribusiness Support for Promotion and Investment in Regional Exposition (ASPIRE) na idinaos noong Disyembre 4 – 8, 2019 sa Mega Mall, Mandaluyong City, Metro Manila.
Ang ASPIRE ay programang isinusulong ng Kagawaran upang magtaguyod ng pagtaas ng kita sa pangkabuhayan, mas mababang gastos, at makagawa ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng karagdagang pagpapabuti ng pag-access ng kanilang mga produkto at serbisyo sa mga domestic at export market.
Ang palatuntunan ay sinuportahan at dinaluhan nina: Senador Koko Pimental III, Tagapangulo sa Senado tungkol sa Pakikipag-ugnayan sa Panlabas na Merkado, Senadora Cynthia Villar, Tagapangulo ng Komite sa Senado tungkol sa Agrikultura at Pagkain, at Sara Duterte-Carpio, panganay na anak ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang ASPIRE na tinaguriang “KALAKAL CALABARZON 2019” ay nilahukan ng 178 (food at non-food stakeholders) na mga mangangalakal ng bansa na nagpakitang gilas sa mga itinatangi nilang mga produkto. Nakabilang dito ang labing anim (16) na mangangalak na inaasistihan at tinutulungn ng DA IV CALABARZON sa pangunguna ni Regional Executive Director Arnel V. de Mesa.
Nanawagan naman si Editha M. Salvosa, nangasiwa sa mga exhibitors at Hepe ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), sa mga magsasaka at mangingisda dito sa CALABARZON na samantalahin ang programa ng gobyerno na ASPIRE upang matulungan silang mapahusay at maisulong ang kanilang mga produktong pang-agrikultura. NRB, DA-RAFIS