Ang Kagawaran ng Pagsasaka sa CALABARZON ay tumatalima sa pagsusulong ng programang Gender and Development (GAD) ng pamahalaan partikular na ang paglaban sa pang-aabuso lalo na sa mga kababaihan. Ito ay isinagawa sa nasabing tanggapan sa Quezon City noong Nobyembre 25, 2019 sa pamamagitan ng isang film showing.
Ang nagbukas ng palatuntunan ay si Bb. Juvylee C. Obice, Supervising Administrative Officer. Kaniyang pinasalamatan ang mahigit 80 kawani na nakibahagi sa palatuntunan at ang pakikiisa ng Anastasia Film Production na siyang nagpalabas ng panoorin na may pamagat na “Owl Butterfly.”
Ibinahagi naman ni Bb. Esther Turingan, Sikolohista ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan, ang tungkol sa mga naging karanasan niya sa pagtataguyod ng mga bata at matatandang inabuso.
Ang film producer and scriptwriter ng “Owl Butterfly” ay si Bb. Glenda C. Resurreccion, isa sa mga pioneer ng hip-hop sa bansa at naging radio announcer ng 93.9 WKC at ABS-CBN satellite radio. Ito ang pamamaraan nila upang tumulong sa pamahalaan sa pakikipaglaban sa “Violence Against Women” kasama si Bb. Eden Ilagan bilang Marketing Head. NRB, DA-RAFIS