Aabot sa P10 milyong halaga ng interbensyon ang pormal na tinanggap ng Quezon Organic Agriculture Cooperative (QuOrAgCo) ng Lucban, Quezon mula sa Departmentof Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Organic Agriculture Program noong ika-9 ng Nobyembre 2023 sa Brgy. Nalunao, Lucban, Quezon.
Kasabay ng selebrasyon ng Organic Agriculture month, iginawad bilang suporta sa Organic Agriculture Livelihood Project na Vermique ng QuOrAgCo ang mga pasilidad na vermicomposting at vermi compost processing and storage, hauling vehicle, shredder machine, vermi siever, industrial weighing scale, at African Night Crawler.
Kasama ding ipagkakaloob ang mga kalabaw at capability building bilang bahagi ng kanilang proyekto na susuporta sa mga nagtatanim sa organikong pamamaraan.
Pagbati at pasasalamat ang ipinarating ni DA-4A Regional Executive Director Milo delos Reyes sa patuloy na pagsusulong ng QuOrAgCo ng organikong pagsasaka. Hangad niyang maging inspirasyon sila sa iba pang nagtatanim na subukan ang ganitong pamamaraan.
Ayon naman sa pangulo ng samahan na si Gng. Carmen Cabling, sisikapin nilang palaguin ang mga naibigay sa kanilang tulong at mas isusulong pa ang organic agriculture sa rehiyon.
Dinaluhan din ang seremonya nina DA-4A Organic Agriculture program focal Eda Dimapilis, kasama sina 1st District Representative ng Quezon, Cong. Wilfrido Mark Enverga, Lucban Mayor Agustin Villaverde at Vice-Mayor Arnel Abcede.