Sa pagdiriwang ng Buwan ng Magsasaka’t Mangingisda na may temang “Modernisasyon at Industriyalisasyon tungo sa Masaganang Ani at Mataas na Kita,” muling manunungkulan si Regional Agricultural and Fishery Council Chairman G. Pedrito R. Kalaw bilang Farmer-Director ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) mula ika-1 hanggang ika-31 ng Mayo.
Ito ay bahagi ng Farmer-Director Program ng Kagawaran na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang kinatawan ng pribadong sektor na maging bahagi ng pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura.
Tungkulin ni Farmer-Director Kalaw na gampanan ang ilang sa mga trabaho na naka-atas kay DA Assistant Secretary for Operations at DA-4A Regional Executive Director Engr. Arnel V. de Mesa, gaya ng pagdalo sa mga pagpupulong at pagsubaybay sa iba’t ibang programa ng ahensya.
“Maraming salamat sa mainit na pagtanggap ninyo sa akin bilang Farmer-Director. Layunin kong makatulong sa ating sektor sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking mga karanasan sa industriya. Hangad ko ang pag-unlad ng agrikultura sa ating rehiyon,” ani Farmer-Director Kalaw.
#### (: Jayvee Amir P. Ergino)