« of 7 »

 

TAYO NA’T MAG-URBAN AGRI!

Alinsunod sa kampanya ng Kagawaran ng Pagsasaka na masiguro ang pagkain sa hapag, hinihikayat ang lahat sa kani-kanilang tahanan at maging sa buong pamayanan na magtanim.

Kaagapay ang Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon ng CALABARZON sa adhikaing ito, sa pamamagitan ng paghahatid ng suportang pang-produksyon kagaya ng buto, punla, at kagamitang panghardin/pantanim sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.

Narito ang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng sikat ng araw sa mga pananim at ang haba ng oras ng pagkakabilad na kinakailangan ng mga ito.

Sama-samang pagtatanim, ugaliin natin
Seguridad sa pagkain, ating kamtin!

#plantplantplantnow
#calabarzonagri
#farmersmyheroes