Labing isa (11) sa labing anim (16) na Regional Gawad Saka (GS) Winners ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON ang nag “qualify” para sa national level ng Gawad Saka 2018-19.
Isa sa 11 na pinalad ay ang Sorosoro Multi-purpose and Allied Services Cooperative (SMASC) ng Brgy. Sorosoro Ilaya, Batangas City, Batangas para sa Outstanding Small Farmer/Fisherfolk Organization.
Noong ika-6 hanggang sa ika-8 ng buwang kasalukuyan, sumailalim ang nasabing samahan sa masusing “evaluation” ng mga “national evaluators.” Ang pagsusuri ay pinangunahan ni Director Norman William S. Kraft, Hepe ng Information Management System ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), kasama sina: G. Renato Barriero, Jonathan Gray at Gng. Bieth Gerardo ng ACPC; G. Lemuel A. Alagon at Gng. Arlene E. Solomon ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Sa maikling palatuntunan, magiliw na nagpasalamat naman at mainit na pagtanggap ang binitiwang pananalita nina: Provincial Agriculturist Pablito A. Balantac; Department Head Dr. Macario Hornilla ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ; at kinatawan ng City Mayor’s Office ng Batangas City, Batangas.
Ang iba pang kategoryang nakuha ng rehiyon para sa “national validation” ay ang mga sumusunod:
1. Tayabas City Agriculturist and Fishery Council ng Tayabas City, Quezon para sa Outstanding Municipal/City Agricultural & Fisher Council (CAFC);
2. Teodoro V. Panaligan, Brgy Concepcion Palasa, Sariaya, Quezon sa kategorya na Outstanding Large Animal Raiser;
3. Mr & Mrs Florencio B. Sera and Family ng Brgy. Binahaan, Pagbilao, Quezon – Outstanding Farmer/Fisherfolk Family;
4. Benjamin D. Bajo ng Brgy. Libo, Panukulan, Quezon – Outstanding Fisherfolk (Aquaculture Fisheries);. ● NRB, DA-RAFIS