Tinanggap ng YAKAP AT HALIK Multipurpose Cooperative-Cavite ang 5,000 pirasong polyethylene bags mula sa Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) noong ika-1 ng Septyembre sa Brgy. Castaños Cerca, Gen. E. Aguinaldo, Cavite.
Ito ay pakikinabangan ng 50 miyembro ng kooperatiba bilang paghahanda sa pagtatanim ng tissue cultured banana na may variety na lakatan at cardaba.
Upang masiguro ang implementasyon ng programa, isinagawa rin ang monitoring at validation ng greenhouse kung saan ilalagay ang mga pananim.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na supporta ng DA-4A HVCDP upang mas mapaunlad ang produksyon ng saging sa rehiyon. #### (: Jayvee Amir P. Ergino; : Philline Libutlibut)