« of 6 »

 

TAYO NA’T MAG-URBAN AGRI!

Alinsunod sa kampanya ng Kagawaran ng Pagsasaka na masiguro ang pagkain sa hapag, hinihikayat ang lahat sa kani-kanilang tahanan at maging sa buong pamayanan na magtanim.

Kaagapay ang Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon ng CALABARZON sa adhikaing ito, sa pamamagitan ng paghahatid ng suportang pang-produksyon kagaya ng buto, punla, at kagamitang panghardin/pantanim sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.

Narito ang kalendaryo ng pagtatanim ng gulay na magsisilbing gabay upang masiguro ang mas magandang ani.

Sama-samang pagtatanim, ugaliin natin
Seguridad sa pagkain, ating kamtin!

#plantplantplantnow
#calabarzonagri
#farmersmyheroes