Isinulat ni Cristy Tolentino
Mga Larawan, Kuha ni Luzminda Tamayo
Isang pagpupulong ang isinagawa bilang paghahanda sa gaganaping TienDA sa CALABARZON. Ito ay isinagawa sa Lipa Agricultural Research and Experiment Station (LARES) Conference Room noong Pebrero 23, 2018.
Sinabi ni Regional Executive Director Arnel V. de Mesa na ang TienDA ay gaganapin mula Pebrero 27 hanggang 28 na kung saan ang pangunahing itataguyod ng kagawaran ay ang “bigas ng masa” na nagkakahalaga ng P38 kada kilo. Bukod dito, maaari rin aniyang hayaan ang ibang mga magsasaka partikular ng bigas na magbenta ng kanilang produkto kahit na medyo mataas ang presyo ngunit dapat ay may kalidad.
Ang nasabing TienDA ay sisimulang gawin sa Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center (STIARC), Marawoy, Lipa City at isasagawa rin sa iba pang mga lugar sa rehiyon sa mga susunod na panahon na may temang kapistahan.
Kabilang sa mga nagsipagdalo sa pagpupulong ay ang mga Assistant Regional Director na sina Milo D. delos Reyes ng Operations and Extension at Elmer T. Ferry ng Research and Regulations; mga Agricultural Program Coordinating Officer (APCOs) na sina Eda F. Dimapilis ng Cavite, Antonio C. Visitacion ng Laguna, Fidel L. Libao ng Batangas, Maria S. Cribe ng Rizal, at kinatawan ni Melba M. Racelis ng Quezon na si Jan Oliver Sarmiento; si Editha M. Salvosa ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD); si Patria T. Bulanhagui ng Regional Agriculture and Fisheries Information Office (RAFIO); at mga Banner Program Coordinator na sina Avelita M. Rosales ng Corn, Engr. Enrique H. Layola ng Rice, Vilma M. Dimaculangan ng Livestock, Engr. Redelliza A. Gruezo ng High Value Crops Development Program (HVCDP), at Lucia A. Campomanes ng Organic Agriculture.