TINGNAN: Ang Kagawaran ng Pagsasaka sa CALABARZON, sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program (HCVDP) nito, ay nagsagawa ng pagsasanay patungkol sa mga pamantayan sa pagkontrol ng pesteng mango cecid fly at namahagi ng ilang kagamitan sa pagsugpo nito na nagkakahalaga ng P608,940.
Ito ay ginanap sa bayan ng San Pascual, Batangas noong ika-18 ng Pebrero, 2021.
Nasa 90 magsasaka mula sa San Pascual Mango Growers’ Association ang masiglang nakibahagi sa nasabing pagsasanay na pinangunahan ng hepe ng Regional Crop Pest Management Center na si Bb. Cecille Marie C. Manzanilla.
Ipinakilala rin nila G. Emilito P. Ersando at G. Rafael E. Manalo ng Regional Soils Laboratory ang kahalagahan ng malusog na lupa at tamang soil sampling.
Maliban sa pagsasanay, namahagi ang Kagawaran ng 152 bote ng organic pesticides at tig-limang yunit ng power sprayer, mini chainsaw, pole pruner, at hagdan sa naturang asosasyon, sa ilalim ng Mango Program ng HVCDP at ng Bayanihan to Recover as One Act II Stimulus Package Fund.
[Mga Larawan mula kay G. Gee Lord Bactin ng HVCDP]