TINGNAN: Pagpapatuloy ng pamamahagi ng cash assistance na nagkakahalaga ng P5,000 kada baboy mula sa Kagawaran ng Pagsasaka sa CALABARZON para sa mga magbababoy na nag-surrender ng kanilang alagang baboy dulot ng African Swine Fever (ASF).
Ngayong araw, aabot sa P8,790,000 ang naibayad ng Kagawaran sa 210 magbababoy na mula sa mga bayan ng Sariaya, Candelaria, at Tiaong para sa 1,758 baboy na kanilang isinurender para i-depopulate.
Nakatakda ang Kagawaran na magdadala ng tulong pinansyal sa mga naapektuhan ng ASF sa iba pang lugar sa rehiyon sa mga susunod na araw. Nauna nang nabigyan ng bayad-pinsala ang mga bayan ng Lopez, Atimonan, at Gumaca sa Quezon.